traffic solution

Page 1 of 2 1, 2  Next

Go down

traffic solution

Post by bien711car on Sat Jun 05, 2010 7:37 pm

Alam nyo po ba ang dahilan ng traffic satin eh yung sobra sobrang jeep at bus.Bakit hindi bawasan yan at bigyan lang ng tamang dami ang bibigyan ng prankisa.Sa edsa na lang hindi ba nakikita ng kinuukulan to.Ang Edsa parang tren ang pila ng bus.Samantalang sa Singapore smooth na smooth ang dating ng bus.tatayo ka sa bus stop hindi tatagal ang 15 min me darating na bus pagkasakay ng pasahero alis agad.Lahat ng kalsada ganun din sobra sobra ang jeep.Sana naman bawasan na ito.Umpisahan sa paghuli ng mga kolorum.matagal ng problema ang traffic satin eh napakadali lang naman ng solusyon.

bien711car

Posts : 25
Join date : 2010-06-05

Back to top Go down

Re: traffic solution

Post by danman455 on Sun Jun 06, 2010 3:14 pm

sus! paano naman nila aalisin iyang mga kolorum e, ang karamihan niyan, sila din ang may-ari. paano naman nila aalisin ang source of kotong nila? siguro, and dapat, sila muna ang pag-aalisin sa pwesto at palitan ng medyo matino-tino kung wala talagang makuhang tunay na matino. di ba kayo nagtataka at hindi maalis-alis iyang mga kolorum na yan? kahit pa i-report mo ng i-report mga kolorum na yan, hindi pa din matanggal sa kalye. kahit pa nga na-involved na sa mga aksidente mga kolorum na yan, nasa kalye pa din. para tuloy moro-moro na lang mga suspension ng mga yan, e. saka bakit suspension lang? hindi ba dapat, cancellation of franchise? ewan ko ba..... naguguluhan na talaga ako!!!

danman455

Posts : 5
Join date : 2010-06-04

Back to top Go down

Re: traffic solution

Post by bien711car on Mon Jun 07, 2010 7:58 am

Tama ka. nakakasawa na eh.Masyado ng nakakapagod ang magdrive dito sa Pinas masyadong stressful.isipin mo na lang pagnagbaba at naghintay ng pasahero yung jeep lahat ng nasa likod kelangan ding huminto.Sabi natin magagaling tayong Pilipino pero simpleng trafficv lang hindi pa maresolba.sistema lang naman kelangan Tamang babaan tamang sakayan>Mahirap ba yun?Kaya pag me bumaba o me sumakay na pasahero lahat ng sasakyan sa likuran tigil din kaya bumabagal daloy ng traffic.Sa Edsa naglagay ng orange lane para sa mga pangpubliko sasakyan.Hindi naman sinusunod ng mga driver.pero pag pangpribadong sasakyan kahit malayo kita agad ng mga kumag na traffic enforcer.Okay sana yung orange lane kung maipatutupad talaga

bien711car

Posts : 25
Join date : 2010-06-05

Back to top Go down

Re: traffic solution

Post by MegaTroll on Mon Jun 07, 2010 8:28 pm

Hindi lang dapat ang PUB/PUJ ang bawasan; kahit pribado sasakyan dapat bawasan.

Yun mga sasakyan na walang parkingan dapat ipakilo na lang sa magbabakal.

Pa-kotse kotse pa ang mga bugok wala naman parkingan. Dapat itigil na rin pag iisyu ng rehistro sa mga ganun sasakyan, para lumuwag carsada, bawas choke points sa mga major roads kasi dadami option na dadaanan, kun wala parking mas makakatabi pa mga PUV mag baba at mag sakay ng pasahero.

Dami kasi trying hard na pinoy eh. La na nga makain, ipan gagasolina pa, dagdag polusyon lang. Phase out na dapat ang mga 5+ years na sasakyan gasolina at diesel. Pollutant eh.

Lumugar na lang ang mga pinoy. Hindi lahat pinanganak na mayaman. Gumamit na lang ng Public Transportation. Paubos na oportunidad sa mundo para umasenso, kun meron man maliit na probability, sa 90Million na Populasyon tingin niyo may pag kakataon pa kayo?

MegaTroll

Posts : 9
Join date : 2010-06-07

Back to top Go down

Re: traffic solution

Post by ruben e. reyes on Tue Jun 08, 2010 9:00 am

How come groups of 4 to 6, sometimes even more, congregate in one small location? Two pf their favorite spots are front of the Munoz Market and the MRT terminal in front of Trinoma. There are a number pf similar haunts of these blue-clad enforcers. Isn't it more practical if they are distributed, say in twos, among the city intersections where no one is present?

Aside from apprehending number-coding violators, I suggest your blue boys are also deputized to catch smoke-belching vehicles. Thank you.

ruben e. reyes

Posts : 3
Join date : 2010-06-08

Back to top Go down

Re: traffic solution

Post by ruben e. reyes on Tue Jun 08, 2010 9:08 am

The main cause of traffic congestion immediately past Monumento in Caloocan City is a public vehicle (buses and Jeepneys) at full stop while waiting for passengers. Your blue boys obviously allow this to happen (vs some incentive from the vehicles?). They simply turn their backs at at the offending vehicles and face towards QC.

This scene is repeated in several MM intersections where such "impromptu" terminals are created by public vehicles, RIGHT UNDER THE VERY NOSTRILS OF YOUR BLUE BOYS!

ruben e. reyes

Posts : 3
Join date : 2010-06-08

Back to top Go down

Re: traffic solution

Post by robert on Tue Jul 06, 2010 1:18 pm

alam nyo mga pare ko sa tingin ko ang tamang solusyon sa traffic? ipatupad nila ng tama ung sistema. saka wag nating isisi sa mga sasakyan ang traffic may kasalanan din tayong mga commuters. kung ako sa MMDA iayon nila ang sakayan ng mga pasahero at hindi ung mga sasakyan ang binabantayan nila kung saan sila kumikita. wala namang kasing hihintong sasakyan sa alanganing lugar kung walang sasakay na pasahero. di ba? bantayan nila ang pasahero kung saan dapat sumakay. At saka tanggalin na nila yang mga bakod sa edsa na parang kulungan ng manok tama na ung yellow lane tingnan ko lang kung di lumuwag luwag ang traffic.

robert

Posts : 1
Join date : 2010-07-06

Back to top Go down

Wanted: Multi-tasking MMDA traffic enforcers (Blue Boys)

Post by ruben e. reyes on Tue Jul 06, 2010 8:47 pm

I travel along Edsa up to the Megamall , daily. Watching at the blue boys, I get the impression that their favorite "victims" are the number-code violators. The rest of the violators, like the public transpo (buses and jeepneys) go unnoticed loading and unloading anywhere along Edsa. For example, Edsa in front of PWU-Jasms, just past the Philam Homes, buses wantonly discharge (and load) passengers almost along the middle of the main road.

Where are the traffic enforcers?

ruben e. reyes

Posts : 3
Join date : 2010-06-08

Back to top Go down

Re: traffic solution

Post by MegaTroll on Thu Jul 22, 2010 1:24 pm

Kahit ano sistema ang ilagay sa kalsada maba-bale wala. Kung talagang maraming VOLUME ng sasakyan, TRAPIK talaga. Ang pinaka-maganda solusyon i-PHASE OUT na 5+ Years na sasakyan o kaya lagyan ng 500% VAT ang mga kotse, mahalan ang rehistro, death penalty sa colorum, hayaan na lang mga mayayaman at yun talagang may kaya ang mag pribado sasakyan. Yung mga luma sasakyan at nakaharang sa kalsada, ipakilo na lang.

PUB/PUJ Phase out na rin. Maglakad na lang ang mga poor o kaya mag-bike.

Kung POOR POOR, Kung RICH RICH. Wag na mangarap!

MegaTroll

Posts : 9
Join date : 2010-06-07

Back to top Go down

Re: traffic solution

Post by murda_one2002 on Wed Aug 04, 2010 11:44 am

para po sa akin hindi po natin dapat sisihin ang bus, jeep o anu pa mang sasakyan, bagkus ang mga tao ang dapat nating sisihin. sobrang napakarami ng ating mga sinasabi pero hindi tayo makapagbigay ng anumang suhestiyon kung paano ba talaga masusulusyunan ang problema sa trapiko. una ang anumang sasakyan ay hindi makakaabala kung ang driver ng mga ito ay disiplinado, ikalawa hindi lang dapat driver ang may disiplina dapat tayo ding mga pasehero at pedestrian. napakarami kong suhestiyon kaya ako sumali sa forum ng website na ito ng mmda na nais kong maiparating at ang una ko suhestiyon sa kanila ay ang paglalagay ng Official MMDA Facebook Account, na sana ay dinggin ng nasabing ahensya. makipagtulungan po tayo sa pagpapaganda ng kamaynilaan, hangad natin ng pagbabago, simulan po natin sa ating mga sarili, sa ating pamilya, sa ating mga kamag-anakan, at magsasalin salin po yan, wag po nasting iasa lahat sa iba, kumilos tayo kung talagang hangad natin ng pagbabago. kayo po ay malayang sumulat sa akin sa aking email add, murda_one2002@yahoo.com o sa aking facebook (Richard S. Domingo)

murda_one2002

Posts : 13
Join date : 2010-08-04

Back to top Go down

Re: traffic solution

Post by bien711car on Wed Aug 04, 2010 7:13 pm

Tama ka dyan magiging useless ang mga footbridge at mga underpass kung hindi ipipilit ang paggamit nito.dapat ipatupad ang jaywalking,Sa Bicutan at Sucat interchange nakikita ko me mga pulis na sumisita sa mga tumatawid sa di tamang tawiran.Dapat talaga ituro ito sa mga pedestrian para masanay na silaIto talaga ang malaking factor sa problema sa traffic ang wala sa lugar na pagbaba at pagsakay ng pasahero.

bien711car

Posts : 25
Join date : 2010-06-05

Back to top Go down

Re: traffic solution

Post by murda_one2002 on Wed Aug 04, 2010 9:49 pm

@bien711car, maraming salamat sa pagtugon sa aking mensahe, napakarami ko pang proposal para sa ahensya ng mmda ngunit sana sa pamamagitan ng facebook (kung sakali na magtatag sila ng isang MMDA Official Facebook Account). dahil parang nakikinikinita ko na ang mangyayari sa trapiko (WORST) dahil hindi ko nararamdaman ang paggawa ng mga hakbang para masulusyunan ito, hindi po puro panghuhuli ang dapat natin gawin. simulang natin sa information dessemination bago po tayo manghuli uli ng manghuli (ng walang quota).

murda_one2002

Posts : 13
Join date : 2010-08-04

Back to top Go down

Re: traffic solution

Post by bien711car on Thu Aug 05, 2010 9:04 am

merong forum sa facebook,and meron din sila account sa tweeter

bien711car

Posts : 25
Join date : 2010-06-05

Back to top Go down

Re: traffic solution

Post by murda_one2002 on Thu Aug 05, 2010 10:34 am

don't know how to use the twitter and about sa mmda sa facebook, may account pero there are no discussions in there sir. or if there's any can you possibly send me the links.

murda_one2002

Posts : 13
Join date : 2010-08-04

Back to top Go down

Re: traffic solution

Post by murda_one2002 on Thu Aug 05, 2010 11:34 am

@ sir bien711car, san po kayo nagtatrabaho sir if i may ask po...

murda_one2002

Posts : 13
Join date : 2010-08-04

Back to top Go down

Re: traffic solution

Post by bien711car on Fri Aug 06, 2010 11:19 am

Sa cruise ships. po,Kaya marami po akong napupuntahang bansa.Kaya nakikita ko ang malaking kaibahan ng ating bansa.Sa kanila malinis,maayos ang mga sistema.Kaya kinakalampag ko ang mga kinauukulan,napaka unfair sating mga pilipino,bilang tao,ang mga nararanasan nilang kaginhawaan,dito satin puro pasakit,biruin mo pagod ka na sa 8 oras na trabaho,pagcommute pauwi ang hirap,ang traffic ang gulo.Ang mga pedestrian ni walang malakaraang bangketa dahil sinakop na ng mga vendor

bien711car

Posts : 25
Join date : 2010-06-05

Back to top Go down

Re: traffic solution

Post by freedom grrl on Fri Aug 06, 2010 11:54 am

Ang kolorum na AUV nga ba ang dahilan ng trapiko sa Metro Manila? Nasan ang datos nyo? Natanong nyo ba ang mga taga PNU, La Salle, PWU, St Paul at mga call centers na araw-araw sumasakay dito kung gaano nila naapreciate ang presence ng mga tulad namin lalo na sa gabi at madaling araw, at wala na silang masakyan?

Alam nyo po ba kung bakit maraming kolorum na bumabyahe? Kasi po napakamahal ng prangkisa, hindi makatarungan ang presyo. Sa laki, kailangang ipangutang pa! Marami po kaming umaasa (drayber, may-ari ng sasakyan) sa kita ng byahe ng tinatawag nyong "kolorum", pambili ng pagkain sa pang-araw-araw, pambaon sa skwela, pambayad sa ubod ng taas na singil ng kuryente. Marami ring mga nagtatrabaho, nag-oopisina, mga mag-aaral ng kolehiyo na araw-araw, rain or shine, pumipila sa mga "kolorum" dahil kahit paano, mas maginhawang sumakay dito, aircon, tama lang ang singil. Pagkatapos magbanat ng buto maghapon, konting comfort lang katawan pauwi ang inaasam, dahil sa gabi at madaling araw lang naman nakakabyahe ang "kolorum". Ang laking tulong din nito sa reduction ng pedestrians sa kalye, dahil sa isang AUV, 12 ang maximum na pasahero.

Kung ititigil rin lang ang sistema ng kolorum sa ngalan ng batas, mag-isip naman ang Pangulo at mga kinatawan nya ng alternatibo upang makapaghanapbuhay pa rin ang mga tsuper at may-ari ng sasakyan, at makabyahe pa rin ng maginhawa ang libu-libong pasahero. Kalampagain sana ang LTFRB, na maging patas sa pagpresyo ng prangkisa.

Ang hinanakit naming maliliit na may-ari ng sasakyan, pinag-iinitan kami dahil wala kaming laban at walang mga kapit sa heneral, ombudsman, cabinet secretary o congressman. Willing po kaming magbayad ng prangkisa kung sa kaban ng bayan at kapakanan nito mapupunta ang ibabayad namin. Pero wag naman kaming damputin at i-deprive ng ikinabubuhay namin. Hindi po kami mga kriminal. Kung mga kriminal nga, hindi nyo mahuli-huli dahil mabilis kumaripas ng takas. Kami, mga mababait na tupang sumasama sa inyo pag hinuhuli nyo dahil wala talaga kaming magawa.

Suggestion ko magkaroon ng public forum tungkol sa usaping ito. Palagay ko hindi alam ni PNoy ang puno't dulo nito. The MMDA is under the direct supervision of the President, right? Iparating nyo naman please ang saloobin ko, which I am sure ay saloobin rin ng maraming maliit na tao na nais lang kumita ng marangal upang mabuhay sa pang-araw-araw.

Maraming salamat po.

freedom grrl

Posts : 2
Join date : 2010-08-06

Back to top Go down

Re: traffic solution

Post by murda_one2002 on Fri Aug 06, 2010 12:16 pm

@ freedon grrl, there is a facebook account at mmda, you may report this message there para mapagtalakayan ng mga tao...

murda_one2002

Posts : 13
Join date : 2010-08-04

Back to top Go down

Re: traffic solution

Post by freedom grrl on Fri Aug 06, 2010 12:53 pm

I'll do that. Thank you!

freedom grrl

Posts : 2
Join date : 2010-08-06

Back to top Go down

Re: traffic solution

Post by murda_one2002 on Fri Aug 06, 2010 11:22 pm

your welcome freedom grrl, i hope you could answer sa mga discussions na ginawa ko duon...

murda_one2002

Posts : 13
Join date : 2010-08-04

Back to top Go down

Re: traffic solution

Post by MegaTroll on Sat Aug 07, 2010 3:19 pm

Sa mga TAONG puro asa sa GOBYERNO, at sa mga TAONG hindi makasunod sa SIMPLENG BATAS TRAPIKO. Sa mga reklamador na mahirap ang buhay, wala na makain, pero ang lilibog at ang daming ANAK. TINGNAN NIYO NGA MUNA SARILI NIYO SA SALAMIN!! PLEASE LANG.

TALAGANG KRIMINAL na tingin ko sa mga taong DEVIANCE sa society. KUNG SIMPLENG BAGAY DI NIYO MASUNOD, PANO PA KAYA KUMPLIKADO?

PUV's = LAHAT NA ATA NG KALSADA TERMINAL NIYO NA.
Private= BUMILI NAMAN KAYO NG GARAHE NIYO.

Order requires law. Law is enforced through deterrence. Deterrence is based on the fear of consequences, and fear is the most powerful motivating force.


MegaTroll

Posts : 9
Join date : 2010-06-07

Back to top Go down

Re: traffic solution

Post by marcial bonifacio on Sat Aug 07, 2010 3:55 pm

calling MMDA's NEW CHAIRMAN...

puede ba implement NINYO sa manila yung trapik rules and regulations sa SUBIC
lahat walang sinasanto doon.... walang lagay... kung me violations ka magmulta ka!

isulat sa kalsada yung mga trapik signs like ....STOP, LEFT TURN ONLY, RIGTH TURN ONLY, NO U TURN.... ETC

LALO NA YUNG FIRST IN FIRST OUT PRACTICE PAG WALANG TRAPIK LIGHT

marcial bonifacio

Posts : 5
Join date : 2010-08-07

Back to top Go down

Re: traffic solution

Post by MegaTroll on Sat Aug 07, 2010 5:18 pm

Pabor daw sa mahirap ang presidente; parang ang dating saken porke mahirap, tamad, at yun mga lumaking wala tiyaga mag-aral ay pwedeng hindi na sumunod sa batas.

Pano naman ang nag-sumikap at mga disiplinado? Dapat wag na rin sumunod sa batas, wag na rin magbayad ng buwis, mag nakaw na rin ng kuryente at kung anu anu pang utilidad ng ciudad. Magantay na lang ng grasya na ibibigay ng GOBYERNO.

Sa dami ng bulok na sasakyan na gumagamit ng Petrol/Diesel; nakakalason na ang hangin. Bakit isisisi sa GOBYERNO ang pagka-BATUGAN, pagka-walang DISKARTE, ng MASANG PINOY?

Wala kang trabaho? Baka di ka gradweyt? Baka di ka nag aral?
Walang pera? Meron naman PUBLIC SCHOOL ahh. Baka tamad ka lang at maarte sa uri ng trabaho; gaya ng marangal na pag dampot ng tae at kung anu anu pang dumi. Kulang ang kita? Baka Maluho ka? Baka Malibog ka? Madami ka ba anak?
Madaming trabaho, mapili lang mga yan, maarte, feeling mayaman. Gusto mabuhay ng sosyal kahit maliit kita.

Pano na ang mga nag bibike ng madaming kilometro papasok ng opisina na kailangan gumamit pa ng rebreather dahil sa dami ng bulok na PUV at Private vehicles na lumalason sa carsada at nakaharang pa sa dadaanan ng pedestrian? Ang mga taong nag pakahirap magbayad ng buwis para gumamit ng kalsada, nag pundar at bumili ng tig 20milyones na sasakyan pero di magamit dahil sa dami ng balasubas na tiyuper na nakaharang kundi man sumisira ng kalsada.

Payo ko lang; lumugar nga kayo sa kalalagyan niyo!! Karamihan ng pinoy BABOY pa ang katawan, mag ehersisyo nga kayo at matutong maglakad/magpedal ng kilo kilometro. Kakaunti na lang oportunidad sa mundo, wag na kayo mangarap.

MegaTroll

Posts : 9
Join date : 2010-06-07

Back to top Go down

re: traffic solution

Post by SCORPIO_03_OLI on Sun Aug 08, 2010 12:30 pm

sang ayon ako sa mungkahi na yung mga sasakyan na walang garahe eh dapat alisan ng rehistro at huwag ng payagan ma i-rehistro hanggat wala silang sariling garahe. dagdag na sila sa dami ng sasakyan sa karsada eh abala pa sila sa mga residente pag nag park sila sa kani-kanilang lugar. may nadaanan ako na karsada dito sa malapit sa 10th ave., kalookan papuntang azucena st., residence area ito na 2 way street pero dahil kabilaaan ang naka paradang mga sasakyan eh yung gitna nalang ang madadaanan, sa sunud sunud na naka paradang sasakyan eh humaba ito ng 150 metro kayat kung meron ka kasalubong galing sa kabila eh isa sa inyo ang aatras para mag bigay muna. sa mga colorum, ok lang kung sa gabi at madaling araw sila lalabas!

SCORPIO_03_OLI

Posts : 4
Join date : 2010-08-07

Back to top Go down

Re: traffic solution

Post by bien711car on Mon Aug 09, 2010 10:58 am

SCORPIO_03_OLI wrote:sang ayon ako sa mungkahi na yung mga sasakyan na walang garahe eh dapat alisan ng rehistro at huwag ng payagan ma i-rehistro hanggat wala silang sariling garahe. dagdag na sila sa dami ng sasakyan sa karsada eh abala pa sila sa mga residente pag nag park sila sa kani-kanilang lugar. may nadaanan ako na karsada dito sa malapit sa 10th ave., kalookan papuntang azucena st., residence area ito na 2 way street pero dahil kabilaaan ang naka paradang mga sasakyan eh yung gitna nalang ang madadaanan, sa sunud sunud na naka paradang sasakyan eh humaba ito ng 150 metro kayat kung meron ka kasalubong galing sa kabila eh isa sa inyo ang aatras para mag bigay muna. sa mga colorum, ok lang kung sa gabi at madaling araw sila lalabas!

Oo nga halos lahat ng kalsada natin ngayon ganyan na.Parang wala ng pakialam ang gobyerno.Kaya yung mga daan na dapat maging alternate route ng mga private cars hindi na madaanan,yung mga bangketa wala na sinakop na mga bahay,tapos maglalagay pa ng mga tolda o tindadahan kaya ayun sumikip na kalsada.Sana mahigpit na maipatupad na ang mga batas,ang gulo-gulo na masyado ng metro manila

bien711car

Posts : 25
Join date : 2010-06-05

Back to top Go down

Re: traffic solution

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Page 1 of 2 1, 2  Next

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum